Lunes, Nobyembre 16, 2015

                                    Ang Banghay 

                           Ang mga bahagi at elemento nito
                           (Mula sa Kayumanggi pahina 14)
       Ito ay tumutukoy sa maayos at malinaw na pagkakasunod-sunod ng mga magkakaugnay na pangyayari sa paksa. Inilalahad ang maayos na pagsasalaysay ng mga pangyayari tulad ng ano ang pangyayari at ano ang kaugnayan at kahulugan ng mga pangyayaring ito sa binabasang akda.

    Mga Bahagi

  • Simula- Dito palamang ay mababangit na ang kilos, paglinang sa pagkatao, mga hadlang o suliranin.
  • Gitna- Naglalaman ito ng mga kawing-kawing, maayos, sunod-sunod at magkakaugnay na mga pangyayari.
  • Wakas-Dito nagkakaroon ng kalutasan ang suliranin.

   Mga Elemento


  • Panimulang Pangyayari-Sa bahanging ito ipinakikilala sa mga mambabasa ang mga tauhan at tagpuan.Nagsisimula ito sa unang kalagayan na dapat na makapukaw sa interes ng mga mambabasa na ipagtuloy ang pagbabasa ng akda. 

  • Pataas na aksyon-Sa bahaging ito, tumitindi o tumataas ang galaw o kilos ng mga tauhan na humahantong sa kasukdulan. Nahahati ito sa saglit na kasiglahan at tunggalian na may suliraning lulutasin o lulunasan ng tauhan.
  • Kasukdulan-Dito sa bahaging ito ipinakikita ang mataas na bahagi ng kapanabikan na sanhi ng madamdamin o maaksyong pangyayari sa buhay ng mga tauhan.
  • Pababang aksyon- Ipinapakita sa bahaging ito ang unti-unting pagbibigay-linaw sa mga pangyayari sa akda.Dito inihuhudyat ang pababang aksyon na nabibigyangdaan sa nalalapit na katapusan ng akda.
  • Wakas at Katapusan-Ang kinahinatnan ng mga tauhan at ng mga pangyayari sa akda ay inilalahad dito.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento